A. SUGNAY NG PANG-ABAY
Ang sugnay na pang-abay ay ginagamit bilang pandiwa, pang-uri at pang-abay.
Halimbawa:
1. Sila ay nakapagtanim dahil tumubo lahat ang punlang palay.
Ang sugnay na pang-abay na may salungguhit ay nagbibigay turing sa pandiwang “nakapagtanim”.
2. Si Myrna ay masipag sapagkat sanay siya sa gawaing bahay.
Ang sugnay na pang-abay na may salungguhit ay nagbibigay turing sa pang-uring “masipag”
3. Pupunta sila sa bukid na pinagtaniman ng maraming punong mangga.
Ang sugnay na pang-abay na may salungguhit ay nagbibigay-turing sa pang-abay na “sa bukid”.
4. Sumimba sila noong Linggo, nang ipagdiwang ang pista sa nayon.
Nagbibigay-turing ang pang-abay na may salungguhit sa pang-abay na pamanahong “noong Linggo”.
Tandaan:
Napadadali ang paghahanap ng mga salita sa diksyunaryo sa tulong ng mga pamatnubay na salita. Matatagpuan ang pamatnubay na salita sag awing itaas ng pahina ng diksyunaryo. Ang salita sa kaliwa ang unang salita sa pahina. Huling salita naman ng pahina ang pamatnubay na salitang nasa gawing kanan C. PANG-ANGKOP
Ang na, ng at g ay tinatawag na pang-angkop. Ang mga ito ay ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita.
Ang na ay ginagamit kapag ang unang salitang pinag-uugnay ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Ang g ay ginagamit kapag ang unang salitang pinag-uugnay ay nagtatapos sa n.
Ang katagang ng ay ginagamit kapag ang unang salitang pinag-uugnay ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Masunuri ng anak Bansa ng Pilipinas
Malakas na ulan Tirahang malayo
D. PANGATNIG
Ang pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita, parirala, sugnay o mga pangungusap sa isa pang salita, parirala, sugnay o mga pangungusap.
Halimbawa:
at kaya kung kapag/pag
kasi sana pati sapagkat/pagkat
o bago habang sakali/saka-sakali upang ni nang gayunman paano dahil kundi gayunpaman ngunit subalit bagamat samakatuwid
man maliban datapwat samantala Pangatnig
1. At- nagdurugtong ng dalawang salita o kaisipang magkaugnay o hindi magkasalungat.
Hal. Maligo ka at magbihis ka nang mabilis.
Ang ina at anak ay nagmamahalan
2. O- nag-uugnay ng dalawang salita o kaisipang pinagpipilian
Hal. Ano ang gusto mo, mag-aral o magtrabaho?
Maaari kang sumama sa akin o maiwan ka rito.
3. Ni- nag-uugnay ng dalawang salita o kaisipang kapwa hindi gumanap o ginampanan
Hal. Ni ikaw o ako ay hindi napiling lumabas sa programa.
Ni hindi ka man lamang sumulat o tumawag sa akin.
4. Kapag, pag, kung- nag-uugnay ng isang kaisipan at isa pang kaisipang may hinihinging kundisyon ang pagiging ganap
Hal. Aalis ako mamaya kapag hindi umulan.
Kung mag-aaral kang mabuti, tiyak makapapasa ka.
5. Habang, samantala- nag-uugnay ng dalawang kilos o pangyayari na naganap sa magkasabay na panahon
Hal. Natutulog ang beybi habang naglalaba ang nanay.
Samantalang si ate ay nagluluto, ako ay naglilinis n gaming bahay.
6. Dahil, sapagkat, kasi- nag-uugnay ng sanhi o dahilan sa pangyayari o ikinikilos
Hal. Malungkot si Nena dahil may sakit ang nanay niya.
Naiwan ka tuloy kasi hindi ka gumising ng maaga.
7. Ngunit, subalit, pero- nag-uugnay ng dalawang kaisipang magkakontra o magkasalungat
Hal. Gusto kitang tulungan ngunit tumanggi ka.
Marami ang may nais sumama subalit isa lamang ang pipiliin.
8. Upang, para, nang- nag-uugnay ng bunga o kalalabasan ng isang kilos o Gawain
Hal. Kumain ka ng masustansyang pagkain para ka lumusog.
Gawin mo ang tama upang matuwa sila sa iyo.
E. MATALINGHAGANG SALITA
Ang mga matalinghagang salita ay mga salitang may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng tambalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa: balat sibuyas
Nagtengang kawali
F. PAREHONG BAYBAY NGUNIT MAGKAIBANG KAHULUGAN
Magkakaiba ang kahulugan ng ilang salitang iisa ang baybay dahil sa pagkakaiba sa diin ng pagbigkas ditto. Nagkakaiba rin ayon sa gamit ng pangungusap.
Halimbawa:
1) Buhay na ang itinanim kong maliit na puno ng akasya.
2) May kaya sa buhay ang napangasawa ni Kadyo.
3) Malalakas ang tahol ng aso.
4) Ang asong niluluto niya ay lumikha ng paso sa kanyang kamay.
5) Nabasag niya ang magandang paso ng halaman.
6) Maluluwang ang taniman ng tubo sa Negros.
7) Maliit lang ang tubo ng perang inilagak niya sa bangko.
8) Bunot na ang pananim.
9) Bunot na halos ang pinto, nawasak pa.
10) Pito silang magkakaibigan na taga-Maynila.
11) Binigyan ng tigi-tigisang pito ang mga pulis.
Pagbigkas ng mga salitang may salungguhit
1) Buhay – mabilis ang bigkas
2) Buhay – malumanay ang bigkas
3) Aso - malumanay ang bigkas
4) Aso - mabilis ang bigkas
4) Paso - malumanay ang bigkas
5) Paso – mabilis ang bigkas
6) Tubo - mabilis ang bigkas
7) Tubo - malumanay ang bigkas
8) Bunot - mabilis ang bigkas
9) Bunot - malumanay ang bigkas
10) Pito - mabilis ang bigkas
11) Pito - malumanay ang bigkas
No comments:
Post a Comment